Feeling Pandemic Burnout? Here's How You Can Work on It - Tamang Alaga
Pandemic burnout is an issue that’s affecting a lot of people worldwide - see how this can be addressed today.
Pandemic burnout is an issue that’s affecting a lot of people worldwide - see how this can be addressed today.

Nakakaramdam ng Pandemic Burnout? Alamin Paano Ito Maiibsan

Noong magsimula ang pandemic, maraming tao ang nabigla sa dami ng impormasyon tungkol sa mga kaso ng COVID-19, nagtaka kung paano magtrabaho nang maayos, at nalungkot sa kabiguang makasama ang pamilya o mga kaibigan. 

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga tao sa pandemic. Habang ang ilan ay nagpatuloy lang sa kanilang normal na buhay, ang iba ay nakaranas ng malaking pagbabago at hindi sinuwerte sa kanilang buhay. Ang ilan naman ay nakaranas ng matinding pandemic burnout o fatigue. 

Kung nararanasan mo ang burnout o fatigue, hindi ka nag-iisa. Marahil ay narinig mo na ang ilang kaibigan, kasamahan, o kapamilya na nakakaranas daw sila ng "cabin fever" o "lockdown blues."

Tandaan: Anumang mga emosyon na iyong nararamdaman ay valid. Sa kabutihang palad, tandaan na ang mga damdaming ito ay hindi pang-habangbuhay, at kayang-kaya mong agapan ang pandemic burnout - alamin kung paano ito magagawa.

Ano ang Pandemic Burnout?

Bagama't wala pa sa diksyunaryo ang katagang "pandemic burnout," maraming pag-aaral ang nagpapaliwanag kung paano na-trigger ng COVID-19 pandemic ang mga damdaming ito sa iba't ibang sektor ng lipunan.

Ayon sa isang International Wound Journal noong 2020 , binigyang-diin na ang mga taong may pandemic burnout ay maaaring makaramdam ng higit na pagod at kawalan ng ganang kumilos pagdating sa ilang aspeto ng kanilang buhay. Higit pa rito, ang mga taong nakakaramdam ng burnout ay nababawasan ng motibasyon at nakakaramdam ng ‘helplessness, hopelessness, at resentment’. 

Ganito rin ang resulta ng pag-aaral sa journal na PLoS One noong 2021 tungkol sa mga healthcare workers mula sa iba't-ibang bansa, isa sa mga sektor na pinakaapektado ng pandemya. Ipinaliwanag sa pag-aaral ang burnout bilang “...syndrome of exhaustion, depersonalization, and reduced professional efficacy.” Ang mga healthcare workers na ito ay nakaramdam ng pagkahapo o exhaustion at pag-disengage o depersonalization, dahil sa matinding demands sa kanilang trabaho, kasabay ng limitadong mga resources para sa kanilang mga gawain. 

Pero hindi lang mga healthcare workers ang tinamaan ng pandemic burnout. Sa magkahiwalay na pag-aaral na inilathala noong 2022 at 2021, ang mga mga mag-aaral at mga manggagawa sa opisina na nagtatrabaho mula sa bahay ay nakaramdam din ng burnout dahil sa mga biglaang pagbabagong dulot ng pandemya. Ang kakulangan ng sapat na resources at mga pagbabago sa lokasyon ng trabaho ay maaaring naging sanhi ng mga damdaming ito. 

Hindi man madaling lutasin ang pandemic burnout, may mga solusyon na pwedeng tandaan para maagapan ng mga tao ang mga damdamin at emosyon na kanilang pinagdadaanan. 

Ano ang Ilang Mga Paraan Para Matugunan ang Pandemic Burnout?

Kung nabigla ka dahil sa mga kaganapang kaugnay ng pandemya, narito ang ilang paraan para maaksyunan mo ang mga ito at maiwasan ang pagkabalisa at pagod:

  1. Magdagdag ng istruktura o “routine” sa daily activities : Kagaya nang nakagawian bago ang pandemya, siguraduhing may pagkakasunud-sunod o “order” sa mga gagawin mo sa isang araw. Sa pamamagitan ng pagdagdag ng istruktura sa iyong mga pang-araw-araw na aktibidad, mararamdaman mo na kontrolado mo ito at hindi ka ma-o-overwhelm.
  2. Magtatag ng boundaries: Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paglaan ng espasyo sa iyong tahanan na para sa trabaho, paglalaro, o iba pang mahahalagang gawain. Huwag ring kalimutan ang work-life balance. Alamin kung kailan ka dapat magsimula at magtapos pagdating sa oras ng iyong trabaho at iba pang pinagkakaabalahan mo.
  3. Ingatan mo ang sarili: ‘Di maitatanggi na ang physical at mental health ay magkaugnay, kaya alagaang mabuti ang iyong katawan. Kumuha ng sapat na tulog, kumain ng masustansyang pagkain, mag-ehersisyo hangga't kaya, at maglaan ng oras para sa mga libangan na kinatutuwaan mo.
  4. Mag-connect (at mag-reconnect) sa mga tao sa iyong buhay: Nakakagaan ng pakiramdam na malaman na may mga taong nakakaintindi sa iyong pinagdadaanan, hindi ba? Dahil dito, maglaan ng oras para tumawag o makipag-usap sa mga taong mahalaga sa iyo tulad ng pamilya, kaibigan, o kahit na mga katrabaho. Ang simpleng pag-kumusta sa mga tao ay maaaring magbigay-saya sa kanilang araw.
  5. Maging kritikal sa pinagkukunan ng balita: Mahalaga ang maging updated sa mga balita tungkol sa COVID-19. Pero kapag tuloy-tuloy ang pagbasa mo ng masamang balita, maaari itong makadulot ng pagkabalisa. Upang mapagaan ang mga damdaming ito habang nananatiling may kaalaman, maging kritikal sa mga pinagkukunan ng balita at paniwalaan lamang ang mga maaasahan at mapagkakatiwalaan na news sources. at tumingin lamang sa maaasahan at mapagkakatiwalaang mga mapagkukunan.
  6. Humingi ng propesyonal na tulong: Kapag ang burnout ay lumalala at nagpatuloy ang mga sintomas nito, kumunsulta sa isang therapist. Ang iyong mental health ay lalong mahalaga sa mga panahong ito, at ang pakikipag-usap sa therapist ay maaaring makatulong sa pagtugon sa iyong hinaing, pag-manage sa iyong mga damdamin, at pag-rerekomenda ng mga paraan para bumuti ang iyong pakiramdam.

Habang hindi pa tiyak kung kailan matatapos ang pandemya at babalik ang lahat sa "normal," mahalagang alagaan ang iyong physical at mental health. Ang agarang pagtugon sa pandemic burnout at pagkapagod ay maaaring magresulta sa makabuluhan at positibong pagbabago para sa iyong kalusugan. 


References:

https://www.piedmont.org/living-better/signs-you-have-pandemic-fatigue-and-covid-burnout 

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/coronavirus/how-to-deal-with-coronavirus-burnout-and-pandemic-fatigue 

https://www.healthline.com/health/mental-health/covid-fatigue 

https://www.everydayhealth.com/coronavirus/how-to-not-let-pandemic-fatigue-turn-into-pandemic-burnout/

https://www.nature.com/articles/d41586-021-00663-2 

https://www.wellandgood.com/pandemic-burnout/ 

'https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8051812/pdf/pone.0238666.pdf

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7934324/pdf/joem-63-0181.pdf 

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/labs/pmc/articles/PMC7362153/ 

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/34192994/